ILOILO CITY – Pawang ayaw pakampante ng mga finalists para sa third National Bombo Music Festival 2020.

Isa na rito ang isang Overseas Filipino Worker na sinadyang umuwi sa Pilipinas upang sumali sa pinakamalaking song writing competition sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Edwin Dimaculangan ng California, USA, at composer ng awiting “Mahirap Gumawa ng Kanta,” sinabi nito na malaking karangalan na makapasok sa Bombo Music Festival na isang original song writing competition.

Ayon kay Dimaculangan, may love song sana siya na nais isali sa Bombo Music Festival ngunit hindi ito natapos kung kaya sumulat na lang siya ng panibagong kanta na naglalarawan kung gaano kahirap gumawa ng awitin.

Ang grand performance night ng Bombo Music Festival 2020 ay gaganapin bukas Enero 11, alas-6 ng gabi sa West Visayas State University Cultural Center sa La Paz Iloilo City.

-- Advertisement --