CENTRAL MINDANAO – Zero pa rin ng probable COVID-19 case ang probinsya ng Cotabato kasabay nang paglabas ng mga negative results ng test sa mga nakasalamuha ni PH 3671 na tuluyang nang gumaling at nakauwi sa kanyang tahanan.
Sa tatlong confirmed case, dalawa na ang gumaling si PH3272 at PH 3671.
Inaantay na lamang ang result ng panibagong test ng pasyente na may exposure sa Matina Gallera, Davao City.
Dalangin ng lahat ang kanyang tuluyang paggaling upang maging COVID free na ang probinsya.
Sinabi ni Cotabato Governor Nancy Catamco na dapat manatiling mapagbantay, patuloy na magsuot ng facemask at siguraduhin na sumunod sa alituntunin ng social distancing, paghuhugas ng kamay at kumain ng masustansyang pagkain upang makaiwas sa sakit.
Sa ngayon ay pinaghandaan ng lokal na pamahalaan ng probinsya ng Cotabato ang nakatakdang pagpapatupad ng general community quarantine mula sa pag-iral ng ECQ.
















