-- Advertisements --

Pinuri ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang makasaysayang desisyon ng International Criminal Court na maglabas ng arrest warrant laban kay Russian President Vladimir Putin.

Sinabi nito na ang makasaysayang desisyon ay siyang simula lamang ng pagpapanagot sa mga nagaganap na war crimes.

Magugunitang inanunsiyo ni ICC President Piotr Hofmanski ang paglabas nila ng warrant of arrest kay Putin kasama si Russian children commissioner Maria Lvova-Belova dahil sa paglilikas ng mga bata sa Ukraine at dinadala sa Russia.

Una ng tinawag ng Russia na hindi katanggap-tanggap ang desisyon na ito ng ICC.