-- Advertisements --

Kinansela ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang lahat ng mga biyahe nito sa ibang bansa dahil sa patuloy ang pag-abante ng mga sundalo ng Russia sa Kharkiv region.

Ang nasabing anunsiyo ay kasunod ng anunsiyo ng Russia na kanilang nasakop na ang ilang lugar sa Kharkiv at ang pagpapalawig ng surprise border offensive.

Inilikas na ang 7,500 katao mula sa Kharkiv region dahil sa patuloy na pag-atake ng Russia.

Una ng tinamaan ng Russia ang Kharkiv City na ikinasugat ng 24 katao kabilang ang apat na bata at ikinasugat ng limang iba pa.