Nakatakdang imbitahan sa Senate Blue Ribbon Committee ukol sina dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ang nagbitiw na si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co.
Ito ay para mabigyang linaw ang kinasasangkutan nilang anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na siyang namumuno ng Senate Blue Ribbon Committee na hinihintay pa lamang nila ang development sa kaso bago ang pag-iskedule ng susunod na hearing at doon ipapadala ang imbitasyon.
Idadaan kay House Speaker Faustino Dy III ang imbestigasyon kay Romualdez habang ipapadala na lamang sa address nito ang imbestigasyon kay Co.
Itinanggi din ng Senador na mayroon silang tinatarget o pinapaburan ganun din pinoprotektahan na mga personalidad sa isinasagawa nilang imbestigasyon.