-- Advertisements --

Aalamin daw ng incoming Department of Labor and Employment (DOLE) secretary kung ano pa ang puwede niyang idagdag sa work from home arrangement sa mga pribadong sektor.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay incoming Labor Sec. Bienvenido “Benny” Laguesma, sinabi nitong mahalaga pa ring mayroong ganitong arrangement lalo na’t nandito pa rin ang banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pero kailangan din umanong ikonsidera ang mga trabahong kailangang physically present sa kanilang mga kumpanya.

Maganda rin naman umano ang ganitong arrangement para mabawasan ang mobility ng mga tao lalo na sa National Capital Region (NCR).

Sa ngayon kasi matapos magluwag na ng restrictions ay nagsibalikan na rin ang mga empleyado sa kanilang mga opisina o lugar kung saan sila nagtatrabaho.

Kung maalala, noong nagkaroon ng pandemic sa bansa ay pinayagan ng ilang kumpanya na magkaroon ng work from home arrangement habang ang iba namang kumpanya ay hindi pinayagan ang kanilang mga empleyado na mag-work from home sa kabila ng pangamba sa kanilang kalusugan sa kani-kanilang mga opisina.