WASHINGTON – Nagsama ng puwersa sa fourth quarter sina Bradley Beal at John Wall upang ibigay sa Washington Wizards ang ikalawang panalo laban sa Atlanta Hawks sa Game 2 sa score na 109-101.

Kapwa naipasok nina Beal at Wall ang 20 sa huling 21 points ng Wizards.

Nagtapos si Beal ng 31 points kung saan tumipon siya ng 16 sa pamamagitan ng 6-of-9 sa huling quarter ng laro.

Si Wall naman ay nagbuslo ng 32 points at nine assists, kabilang na ang mahalagang pasa kay Beal sa huling 38 segundo na naging daan sa 3-pointer na siyang nagselyo sa kanilang sunod na panalo.

Sa panig ng Hawks nasayang ang ginawa ni Paul Millsap na 27 points at 10 rebounds, gayundin si Dennis Schroder na may 23 points.

Si Dwight Howard naman ay meron lamang seven rebounds.

Ang Game 3 ay lilipat sa kanila ang venue sa Linggo.