-- Advertisements --

Sasailalim sa military training si 2017 Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan ng kaniyang pag-enroll sa Basic Citizen’s Military training sa Naval Reserve Command headquarters na matatagpuan sa Intramuros, Manila.

https://www.instagram.com/p/B8snRTgApr1/

May caption pa na ito ang nais niyang gawin at sabik na siya na makasali sa nasabing training.

Dagdag pa ng 27-anyos na beauty queen, hinikayat siya ng kapwa artista na si Rocco Nacino.

Maituturing na pangalawang female reservist si Marquez na ang una ay ang namayapang si Isabel Granada na isan Airwoman Second Class ng Philippine Air Force.

Ilan sa mga artista na reservist sa Armed Forces of the Philppines ay sina Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, Elmo Magalona, Nash Aguas, Yves Flores, Jerome Ponce at Ronnie Liang.

Habang sa Philippine Army ay sina Dingdong Dantes at Cesar Montano at sa Philippine Navy, Ejay Falcon sa Philippine Air Force at Diether Ocampo sa Philippine Coast Guard.