Inamin ng actress na si Winwyn Marquez na mayroon na itong bagong relasyon.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye sa bagong nobyo ang actress at sinabing nakabase ito sa Pilipinas.

Dagdag pa ng 2017 Reina Hispanoamericana na bago pa lamang ang kanilang relasyon.

Magugunitang noong Enero 2019 ng ibunyag nito na hiwalay na sila ng actor na si Mark Herras.