-- Advertisements --

Kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2025 si Ahtisa Manalo ng Quezon Province.

Nangibabaw si Manalo sa 65 na ibang mga kandidato sa coronation night nitong Biyernes ng gabi sa Mall of Asia sa lungsod ng Pasay.

Ipinasa ni Miss Universe Philippines 2024 at Miss Universe Asia Chelsea Manalo ang korona.

Nakuha naman ni Winwyn Marquez ng Muntinlupa City ang 1st Runner-up habang 2nd runner-up naman si Yllana Adanua ng Siniloan, Laguna.

Tinanghal naman bilang Miss Supranational Philippines si Katrina Llegado ng Taguig City habang si Gabriella Carballo ng Cebu City ay tinanghal bilang Miss Eco International Philippines at Chelsea Fernandez ng Sultan Kudarat bilang Miss Cosmo Philippines.

Magiging kinatawan ng bansa si Manalo sa Miss Universe 2025 na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa darating na Nobyembre 21.