-- Advertisements --

Inanunsiyo na ng organizers ng 2026 Miss Universe Philippines ang unang 10 semifinalists.

Isinagawa ang anunsiyo sa Oroqueta City sa Misamis Occidental nito ng Sabado ng gabi, Abril 25.

Matapos ang pagparada ng 50 kandidata para sa kanilang swimwear mula sa mga fashion designers mula sa Mindanao.

Ang 10 mga unang semifinalist ay kinabibilangan nina Jenrose Javier ng Sultan Kudarat, Donna Rein Nugud ng Pangasinan: Alicia Buendia ng Rizal (Filipino Society ng Southern California); Ella Evangelista ng Quezon Province (Filipino Society ng Australia); Cherieze Cacayorin ng Ilocos Norte (Filipino Society of Hawaii); Jencel Caña ng Cavite; Alexandria Colmenares ng Negros Occidental; Lyneree Montero-Yodong ng Mountain Province; Chrystel Mae Correos ng Tandag City at Jayka Munsayac ng San Jose, Negros Oriental (Filipino Society of Bellevue, Washington).

Nanguna ang 10 kandidata sa may pinakamaraming boto sa ikatlong round ng online voting para sa swimsuit na isinagawa mula Abril 19 hanggang 25 kung saan 31 sa mga kandidata ang nakapasok sa ikalawang round ng botohan.

Kasama rin na inanunsiyo ang limang nagwagi sa “Gems of Misamis Occidental” na nakuha ni Nicole Borromeo ng probinsiya ng Cebu.

Ang mga kasama nito na runnerups ay kinabibilangan nina Erica Cadayday ng Camiguin na tinanghal bilang Asenso Ambassadress of Health; Jacqueline Alunin ng Nueva Vizcaya bilang Asenso Ambassadress of Social Services; Clarissa Westram ng Cotabato bilang Asenso Amabassadress of Education at Trexy Roxas ng Iligan City bilang Asenso Ambassadress of Agriculture.

Gaganapin ang coronation night ng 2026 Miss Universe Philippines sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Mayo 2.
Ipapasa ni Ahtisa Manalo ang kaniyang corona sa magwawagi ng pageant.