-- Advertisements --

Namataan ang Low Pressure Area (LPA) sa layong 940 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.

Inaasahang magiging ganap na bagyo ito sa loob ng 24 oras at tatawaging “Kiyapo”.

Dahil sa extention ng LPA, inaasahang maaapektuhan ng pag-ulan ang Bicol Region, Eastern Visayas, at Romblon.

Samantala, patuloy na nakakaapekto ang Southwest Monsoon o habagat sa Mindanao, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, at Palawan.

Bukod dito, posibleng makaranas ng mga panandaliang pag-ulan at pagkidlat ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon dahil sa localized thunderstorms.

Pinapayuhan ang publiko na maging handa sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga lugar na mahina ang drainage at bulubundukin.