-- Advertisements --
Humakot ng awards sa Miss Universe Philippines 2025 preliminary si Winwyn Marquez.
Aabot sa siyam na awards ang nahakot ni Marquez na siyang narepresent ng Muntinlupa City.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng Miss Jell Life, Miss Clinique de Paris, Miss Aqua Boracay, Miss Wuling, Miss New Moon, Miss Mags, Miss Wendy’s, Miss So-en, at Miss Zion Philippines.
Kapwa nag-uwi naman ng apat na awards sina Ahtisa Manalo ng Quezon Province at Yllana Marie ng Aduana ng Laguna.
Itinakda naman sa Abril 30 ang national costume competition habang ang coronation night ay sa darating na Mayo 2 sa lungsod ng Pasay.