zion williamson
-- Advertisements --

Hindi pa tiyak ni New Orleans Pelicans general manager David Griffin kung kailang maaaring makapaglaro si Zion Williamson.

Sinabi nito na maaring hindi siya makakasama sa laro ng koponan sa unang linggo ng pagsisimula ng NBA.

Nagtamo kasi ng fractured sa kaniyang fifth metacarpal bone sa kaniyang kanang paa si Williamson noong offseason at kailangan itong operahan.

Tiniyak naman ni Griffin na makakapaglaro na rin si Wiliamson sa mga susunod na buwan kapag ito ay tuluyan ng gumaling.

Si Williamson ay number 1 overall pick noong 2019 NBA Draft na mayroong average na 27 points, 7.2 rebounds at 3.7 assists sa mahigit na 60 laro ng koponan.

-- Advertisement --