-- Advertisements --

Nagpaturok na rin si Golden State Warriors small forward Andrew Wiggins ng kanyang vaccine laban sa COVID-19.

Bago ito tinanggihan umano ng NBA ang hiling niya na religious exemption.

Ito ay sa kabila na walang mandato ang NBA na magpabakuna ang lahat ng mga players bago ang pagbubukas ng bagong season sa Oct. 19.

Gayunman may report na ang league spokesman na si Mike Bass ay nagsabi na ang isang player na ayaw magpa-vaccine ay hindi babayaran kung bigong maglaro sa 2021-22 season.

Sinasabing nasa 90 percent ng mga NBA players ang nagpabakuna na o may isang vaccine shot, pero may ilan pa rin ang hindi vaccinated.