-- Advertisements --

Nagkaroon ng magaan na sandali sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos magtanong si senator-judge Lito Lapid kay Ombudsman records custodian Karen Batu tungkol sa Statesment of Assets Liabilities and Network (SALN).

Pabiro naman ang senator-judge na baka pagtawanan na naman siya ng mga nanonood sa kanya, kaya iginiit nito ang pagbibigay ng walang limitasyong oras sa kanyang pagtatanong.

Ayon kay Lapid, maaaring mahirap para sa ordinaryong mga pilipino na sundan ang mahaba at teknikal na talakayan tungkol sa saln sa paglilitis.

Dahil dito, tinanong ni Lapid si Batu tungkol sa isang pahayag na napanood nito na sinasabing walang politiko ang nagsusumite ng tunay o tapat na saln.

Nagdulot naman Ito ng tawanan sa loob ng impeachment court bago tiniyak ni batu kay lapid na siya mismo ay nagsusumite ng tapat na SALN.