Ipinaliwanag ni dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang sa impeachment court kung bakit mas mahigpit ang mga limitasyon sa negosyo para sa Pangulo at Bise Presidente.
Sa pagsagot kay Senator Panfilo Lacson, sinabi ni Tang na ipinagbabawal sa konstitusyon ang kanilang pagnenegosyo dahil mas mataas ang posibilidad na maabuso ang kanilang kapangyarihan dahil sa kanilang posisyon.
Ayon kay Tang, naiiba ang Pangulo at Bise Presidente sa ordinaryong government employees dahil sa lawak ng kanilang kapangyarihan at impluwensiya sa pamahalaan.
Ipinaliwanag niya na ang mas mahigpit na constitutional restrictions ay naglalayong maiwasan ang posibleng conflict of interest at pang-aabuso sa kapangyarihan ng dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.
















