-- Advertisements --

Inihayag ng Defense spokesperson na si Atty. Michael Poa na wala silang pagtutol sa tatlong itinalagang amici curiae na pawang mga dating Chief Justice at Associate Justice.

Ayon kay Poa, naging bukas at consultative ang impeachment court sa mga suhestiyon ng mga partido kaya wala silang nakikitang problema sa pagpili sa mga magiging amici curiae.

Samantala, sinabi ni Poa na posibleng matalakay ng mga Amici Curiae ang mga pagbabago sa halaga ng assets ni Vice President Sara Duterte, kabilang ang magkakaibang figures sa kanyang mga financial records.

Gayunman, hindi pa umano makapagbibigay ng tiyak na pahayag ang depensa dahil hinihintay pa nila ang mga ebidensyang ilalatag ng prosekusyon kaugnay ng article II o unexplained wealth.

Giit ni Poa, makatutulong ang mga Amici Curiae upang magkaroon ng mas malinaw at mas malalim na pag-unawa sa mga isyung legal na sangkot sa kaso, lalo’t marami nang magkakaibang opinyon tungkol dito, kabilang sa social media.