-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkabahala ang World Health Organization (WHO) sa posibilidad ng pagtatago ng mga mayayamang bansa ng bakuna laban sa COVID-19.

Kasunod ito sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant.

Ayon kay WHO vaccine director Kate O’Brien na dahil dito ay posibleng magkakaubusan na ng suplay ng bakuna sa buong mundo.

Hinikayat din nito ang mga mayayamang bansa na patuloy na mag-donate ng mga bakuna lalo na sa mga mahihirap na bansa.

Marami kasing mga mayayamang bansa ang nagsimula na sa kanilang booster shots ng COVID-19 habang ang mga mahihirap na bansa ay hindi pa nababakunahan ang malaking populasyon nila.