Hindi umano nababahala ang Milwaukee Bucks kahit abanse na sa 2-0 ang karibal na Phoenix Suns sa patuloy na NBA Finals.
Ayon sa Bucks dati na raw silang nasadlak sa 2-0 deficit sa Eastern Conference finals nang makaharap nila ang Brooklyn Nets.
Pero sa huli raw ay nakabangon ang team at tinanghal pa silang conference champions.
Para sa dating NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo, ginawa lamang daw ng Phoenix ang matinding paghahanda sa kanilang teritoryo, at sa sa Lunes, pagkakataon naman nilang maghanda at depensahan din ang kanilang home court sa Game 3.
“We gotta go back home and protect home,” giit pa ni Giannis.
Ang kalagayan daw nila ngayon ay dati na ring naranasan nila pero nagawa nila itong mabaligtad.
Umaasa rin si Giannis na sana kumayod din ng husto ang kanyang mga teammates at nang hindi mangyari ang pagkasadlak nila sa bokya mula sa Game 1 at Game 2.
“They did their job. We’ve got to do our job,” ani Antetokounmpo. “We’ve been here before and we were able to get the job done.”