-- Advertisements --

Ginawaran ng medalya ng liderato ng Western Mindanao Command (WestMinCom) ang tatlong sundalo na nasugatan sa tatlong magkakahiwalay na engkwentro sa Basilan at Sulu.

Mismong si WestMinCom Commander, Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang nagsabit ng Wounded Personnel Medal kina Cpl. Junnifer Ordeniza, Pfc. Keferd Osngar, at Sgt. Vicente Castro Jr. habang sila ay nagpapagaling sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City.

Nasugatan si Ordeniza sa bakbakan sa Brgy. Campo Uno, Lamitan City, Basilan noong Agosto 18.

Sugatan naman si Osngar nang makasagupa ng kanilang batalyon ang nasa 40 na Abu Sayyaf sa Brgy. Langhub, Patikul, Sulu noong September 10.

Si Castro naman, nasugatan nang kanilang makalaban ang nasa 30 Abu Sayyaf sa ilalim ni ASG leader Hajan Sawadjaan sa Brgy. Latih, Patikul noong Setyembre 11.

Bukod sa parangal binigyan din sila ng financial assistance ni Sobejana.

Naniniwala ang WestMinCom na makatutulong ang parangal sa kanilang mabilis na recovery.

“I give my highest commendations to these soldiers for their bravery and sacrifice for our country and for the people. Truly they are our modern-day heroes who are risking their lives to keep their fellow Filipinos safe and secured,” wika ni Sobejana.