ILOILO CITY – Pinuri ni National Action Plan Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., ang mga Local Government Units sa Western Visayas sa mabilis na pagtugon upang masugpo ang pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay kasabay ng pagpunta sa Iloilo ng kalihim kung saan pinangunahan nito ang ceremonial turn-over ng mga Personal Protective Equipment (PPE’s) sa mga hospital sa rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Sec. Galvez, sinabi nito na “strongest” at “model” ang Western Visayas sa pagsugpo sa nakamamatay na virus.
Tiniyak rin ni Galvez na magbibigay pa sila ng dagdag na PPE’s kung kinakailangan.
Sa kabilang dako, iminungkahi rin ng kalihim na magsasagawa ng dry run sa pagbalik ng operasyon ng mga paliparan.