Inanunsiyo ni NBA number 1 draft pick Victor Wembanyama na hindi ito maglalaro sa France national basketball team para sa FIBA Basketball World Cup.
Sinaib nito na nais niyang protektahan ang kaniyang pangangatawan at hindi pa ito handang sumabak sa ganung kalaking torneo.
Nakatuon kasi aniya siya sa paghahanda sa paglalaro bilang rookie player ng San Antonio Spurs.
Iginiit nito na sariling desisyon niya ito matapos niyang konsultahin ang kasamahan sa koponan.
Naipaalam na rin nito ang desisyon sa coach ng Team France at mga manlalaro ukol sa nasabing desisyon.
Magugunitang napili ng Spurs ang 19-anyos na prodigy kung saan mataas ang expectation nito sa kanila.
Kusa rin ang desisyon ng 7-foot-4 na mapunta sa Spurs dahil sa mga idolo nito na sina Tony Parker na kaniyang kababayan at Tim Duncan.