GOLDEN STATE WARRIORS
GSW/ IG post

Hindi umano nababahala ang Golden States Warriors sa kakulangan ng mga manlalaro nito sa pagsisimula ng Game 3 bukas kontra Toronto Raptors sa NBA Finals.

Sinabi ni Warriors head coach Steve Kerr, may ibang mga manlalaro pa itong mga nakahanda para punan ang kakulangan nila.

Nakahanda aniya si Stephen Curry na dalhin ang koponan lalo na at sa homecourt nila gaganapin ang Game 3.

Ipinagmalaki pa ni Kerr na sa mga nagdaang laban ay ipinakita ni Curry ang kaniyang kakayahan na madala ang team.

Sinabi naman ni Curry na nakatuon ngayong ang kanilang atensiyon para maipanalo ang laban.

Sanay na rind aw ito sa kulang na mga teammates dahil sa injury.

Magugunitang inanunsiyo ni Kerr na hindi pa makakapaglaro sa Game 3 si Kevin Durant at Kevon Looney habang questionable naman ang kanilang guard na si Klay Thompson dahil din sa injury.

Umaasa pa rin ang Warriors na makuha ang ikatlong sunod na NBA title kung saan tabla na sa 1-1 ang best of seven series.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here