-- Advertisements --
Ginulat nang Indiana Pacers ang isa sa top team ngayon sa NBA na Golden State Warriors matapos na masilat sa overtime game sa score na121-117.
Para sa Warriors ang kanilang pagkatalo ay maituturing na “worst loss” dahil hindi rin naglaro ang ilang star players ng Pacers.
Ang scoring champion na si Stephen Curry na bagamat may 39 points, inalat na ito sa overtime period at sumablay pa ang mahalaga sanang tira sa 3-point area, may 16.5 seconds ang nalalabi sa game.
Nitong nakalipas lamang na araw, na-upset din ng Pacers ang Lakers.
Hawak ngayon ng Indiana ang 17-29 record, habang angat pa rin naman ang Warriors sa kanilang kartada na 32 wins.