-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang wanted person nang manlaban sa mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Joharie Sati Sabal alyas Alsati Gariano Sabal,44 anyos,may asawa at residente ng Purok Krislam Barangay Poblacion Matalam Cotabato.

Ayon kay Matalam Chief of Police Major Junrel Amotan na magsisilbi sana sila ng warrant of arrest laban sa suspek nang mamataan nila ito sa National Highway, Purok Poinsettia, Brgy Poblacion sa bayan ng Matalam.

Sakay ng motorsiklo si Sabal nang habulin ito ng mga pulis ngunit nagpaputok ito ng baril.

Napilitan ang mga pulis na barilin si Sabal at ito ay nagtamo nang maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Naisugod pa sa pagamutan ang suspek ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Narekober sa posisyon ni Sabal ang isang kalibre.45 na pistola,Magazine at mga bala,kasama ang kanyang motorsiklo.

Si Sabal ay nahaharap sa kasong attempted homicide, illegal possession of explosives at illegal drugs.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng Matalam MPS ang operasyon laban sa mga tao na nagtatago sa batas o mga kriminal.