-- Advertisements --
Hindi umano dapat ikabahala ng publiko kung mataas man ang mortality rate sa mga namamatay sa Pilipinas dahil sa COVID-19 kumpara sa ibang bansa.
Ayon kay DOH spokesperson Usec. Rosario Vergeire, walang dapat ikabahala sa data na 14 na ang nasawi sa Pilipinas habang 187 na ang mga kaso ng coronavirus disease.
Kung sa buong mundo raw nasa 2 percent hanggang 4 percent lamang ang bilang ng mga namamatay samantalang sa Pilipinas ay aabot na sa 9 percent ito ay dahil sa kokonti pa lamang ang naitatalang kaso sa Pilipinas.
Sa kabila nito, nagbabala ang DOH na hindi pa nagpi-peak ang bilang ng mga kaso sa Pilipinas kaya kailangan ang kooperasyon ng lahat sa ipinapatupad na enhanced community quarantine.