-- Advertisements --

Tumangging magbigay ng komento si Vice President Sara Duterte kaugnay ng Pax Silica, ang planong AI industrial hub sa New Clark City, Tarlac, na isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang video na inilabas ng Office of the Vice President habang nasa The Hague ang Bise Presidente, sinabi niyang wala siyang maibibigay na pahayag nang tanungin tungkol sa proyekto.

“Wala, I cannot comment on that,” ani VP Duterte.

Naging mainit ang usapin sa social media tungkol sa Pax Silica dahil sa mga pangamba sa posibleng epekto nito sa kapaligiran at komunidad.

Sa ikalimang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Marcos Jr. noong Hulyo 27, ang proyekto ay lilikha ng dekalidad na trabaho, magpapalakas sa industrial competition ng bansa, at magpapasigla sa ekonomiya.

Ang Pax Silica ay bahagi ng 23-nationinitiative na pinangungunahan ng U.S., na naglalayong bumuo ng AI ecosystem sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga data center at iba pang advanced technology facilities.