Nanawagan si Atty. Paolo Panelo, spokesperson ni Vice President Sara Duterte, sa pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ang naging tugon nito sa mga batikos ng bise presidente.
Ayon kay Panelo, minamaliit umano ng pangulo ang seryosong alegasyon ni Duterte hinggil sa umano’y malawakang korapsyon at mga pang-aabuso sa pamahalaan.
Tinukoy ni Panelo ang pahayag ni Pang. Marcos na “What can I do? You cannot force anyone to love you,” na aniya’y pagtingin sa mga alegasyon bilang bunga lamang ng personal na galit ng bise presidente sa pangulo.
Giit ni Panelo, hindi umano sapat ang mga dahilan o paliwanag ng administrasyon habang patuloy na naghihirap ang maraming Pilipino dahil sa umano’y incompetence at katiwalian ng mga nasa poder.
Dahil dito, sinabi ni Panelo na Hindi umano kailangan ng bansa ang mga dahilan ng pangulo kundi ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.
















