Naitala ang pinakamataas na bilang ng ‘attendance’ sa naganap na ‘Bar Examinations’ ngayong taon 2026.
Batay sa datos ng Korte Suprema, halos ‘perfect attendance’ ang pagtatapos o sa ikatlong araw ng naturang pagsusulit.
99.9% anila ang numero ng ‘finishers’ o mga nakakumpleto sa tatlong-araw na ‘2026 Bar Examinations’.
Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, ito na ang maituturing pinakamataas na bilang ng ‘finishers’ sa kasaysayan ng Philippine Bar History.
12,010 kasing ‘bar examinees’ ang tumuloy hanggang sa huling araw mula sa 12,017 ng ‘second day’.
Habang inumpisahan naman nito sa 12,029 first-day turnout ng bar takers kumpara sa rekord na 13,441 admitted apppllicants.
Isinagawa ang tatlong araw na ‘2026 bar examinations’ noong September 6, 9, at 13 nitong linggo.
Ginanap ito sa 15 Local Testing Centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa alinsunod sa layunin ng Korte Suprema na maging ‘regionalized, digitalized at inclusive’ ang Bar Examinations.
Tiwala naman si 2026 Bar Examinations Chairperson Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan na naitaguyod ang integridad, kaayusan at pangangalaga sa bawat ‘examinees’ nang isagawa ang ‘bar exams’ ngayong taon.
Kahit pa bago mag-umpisa ang pagsusulit ay ito na rin ang kanyang inihayag na titiyakin hindi mababahiran ng dungis ang integridad ng ‘bar exams’.
Matapos nito’y nagpasalamat si Justice Gaerlan kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa kumpyansa at gabay kasabay sa nalalapit na pagreretiro.
Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa lahat ng mga nakibahagi para maging matagumpay ang 2026 Bar Examinations.
Pang huli, sa naganap na Turnover Ceremony, ipinasa na ni Justice Gaerlan ang responsibilidad at pangangasiwa ng ‘bar exams’ kay Supreme Court Associate Justice Ricardo Rosario upang magsilbi nilang susunodd na ‘chairperson’ ng pagsusulit.
















