-- Advertisements --

Nangako si Vice President Sara Duterte nitong Lunes na patuloy lalabanan ng kanyang opisina ang malawakang korapsyon at binigyang diin ang pagpapanatili ng integridad sa lahat ng programa at proyekto nito sa Office of the Vice President.

Tiniyak din ni VP Duterte na ipagpapatuloy ng OVP ang mga proyekto nito sa edukasyon, kapaligiran, at kalusugan. Sa kanyang year-end report, binigyang-diin niya ang mga nagawa at ang patuloy na pagsusumikap ng opisina para magsilbi sa publiko.

Dagdag pa niya, pinapakita aniya ng OVP ang kahalagahan ng maayos na plano, mahusay na implementasyon ng proyekto, paglaban sa korapsyon, at malasakit para sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa.