-- Advertisements --

Sinabi ni Vice President Sara Duterte na may ilang pulitiko umanong kumikita gamit ang kanyang pangalan habang nagpapatuloy ang usapin tungkol sa impeachment complaints laban sa kanya.

Mahigit aniya sa 180 mambabatas umano ang handang bumoto pabor sa impeachment proceedings kapag umabot Ito sa House plenary.

Ayon sa Bise Presidente, madami ang pumipera gamit ang pangalan niya at umaasa siyang mapapakinabangan din umano ng mga constituents ng mga mambabatas ang perang NASA “Bulsa o maleta” ng ilan.

Hindi direktang sinagot ni VP Duterte ang umano’y bilang ng mga boto para sa impeachment, ngunit ipinagpatuloy nito ang pagbatikos sa kanyang mga kalaban sa pulitika.

Nakatakdang talakayin ng House Committee on Justice sa Mayo 11 ang committee report at Articles of Impeachment laban kay Duterte.

Kasalukuyang nasa the Netherlands ang Bise Presidente habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa international criminal court. (report by Bombo Jai)