-- Advertisements --

Iginiit ni VP Sara Duterte na tila kulang na ang pondo ng pamahalaan, matapos umano silang makatanggap ng memorandum mula sa Department of Budget and Management (DBM) na nag-uutos sa mga ahensya na bilangin ang kanilang savings upang matukoy ang natitirang pondo sa gobyerno.

Sinabi ng Bise Presidente na “wala na” umanong sapat na pondo, kasabay ng babala sa “triple whammy” ng mataas na presyo ng langis, pagbaba ng halaga ng piso, at tumataas na inflation.

Gayunman, agad itong kinontra ng Malacañang, na tiniyak na nagpapatuloy ang mga programa ng gobyerno, kabilang ang ayuda at iba pang serbisyong panlipunan.

Binigyang-diin ng Palasyo na nananatiling may pondo ang pamahalaan para suportahan ang pangangailangan ng publiko sa gitna ng umiiral na economic challenges. (report by Bombo Jai)