Mariing itinanggi ni VP SAra ang anumang pagtatangkang palitan ang pamahalaan sa labas ng Konstitusyon, sa gitna ng umuusbong na iskandalo sa katiwalian.
May panunumpa ito aniya bilang bise presidente na pangalagaan at ipagtanggol ang Konstitusyon. Anumang extra-constitutional na kilos ay lampas sa sakop nito.
Ang pahayag ay kasunod ng tsismis sa negosyante na grupo na nagmumungkahi ng “reset” sa pamahalaan, kung saan si bilyonaryong Ramon S. Ang umano’y balak maging pansamantalang tagapangasiwa. Kasabay nito, nanawagan ang grupong Bayan sa pagbibitiw ng Pangulo at Bise Presidente at pagbuo ng ‘National Transition Council’ para linisin ang mga institusyon.
Mariing iginiit ni Duterte na may panunumpa ito at hanggang sa sakop lang ng Konstitusyon. (report by Bombo Jai)
















