-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinagtanggol ng incumbent City Mayor Oscar Moreno kung bakit kay Vice President Leni Robredo niya ibinigay ang kanyang suporta para sa 2022 elections sa bansa.

Ito ay kahit kaanak pa sila ng Pangulong Rodrigo Duterte sa angkan ng mga Roa at bali-balita at mga posibleng humabol pa ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na maghahain ng kandidatura bilang kandidato pagka-presidente sa halalan sa susunod na taon.

Sinabi ni Moreno na ito umano ang inisyal na resulta ng kanyang malalim na pag-iisip at pagbalanse sa sitwasyon kung sino sa mga kandidato sa pagka-pangulo ang bibigyang suporta.

Inihayag ng alkalde na tumakbo ring gobernador ng Misamis Oriental na nasa kay Robredo ang ilang katangian na kanyang hinahanap para maging susunod na pinuno ng bansa.

Igniit nito na maraming bagay na napagkasunduan sila ng pangalawang pangulo ng huli itong bumisita sa Cagayan de Oro at nakipagkita sa kanya noong nakaarang linggo.

Una rin nito ay dati nang nagpaabot suporta si Moreno sa administrasyon noon ni late President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III at dinala rin ang mga programa ng Pangulong Duterte nang matalo ang pambato ng Liberal Party na si dating DILG Secretary Manuel “Mar” Roxas sa 2016 elections.