Dumating na sa Bicol region si Vice President Leni Robredo para puntahan ang mga lugar na sinalanta ng nagdaang bagyong Rolly.
[A] LOOK: VP Leni Robredo arrives in Camarines Sur to check on the communities affected by Typhoon Rolly.
Posted by VP Leni Robredo on Sunday, November 1, 2020
Sa isang Facebook post, ipinakita ni Robredo ang sitwasyon na kanyang dinatnan sa Camarines Sur, na kanya ring hometown.
“Left Manila before dawn today. Just arrived CamSur and these were the first signs of devastation we saw,” ayon sa caption.
“Will be going around Albay and Catanduanes, as well.”
Ayon sa Office of the Vice President (OVP), nagsimula nang mag-repack ng mga relief items ang kanilang staff, kasama ang Vice President Security Detachment, na ipapadala sa mga apektadong lugar ng rehiyon.
Bago tumama ang tinaguriang “world’s strongest typhoon” sa bansa, nauna nang namahagi ng tulong ang tanggapan ni Robredo sa ilang low-lying areas sa Camarines Sur.
LOOK: Ahead of the Typhoon #RollyPH landfall, the Office of the Vice President and its private partners distributed food packs to the residents of Calabanga and Magarao towns in Camarines Sur. | @BomboRadyoNews (📸 OVP) pic.twitter.com/bthLxWCB4g
— Christian Yosores (@chrisyosores) November 1, 2020
Tubong Naga City ang bise presidente, kung saan dati siya nang nanungkulan bilang kongresista ng ikatlong distrito.
Ayon sa Malacañang, nakatakdang mag-aerial inspection si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong hapon.