-- Advertisements --

Inimpeach ng Kamara de Representantes si Vice President Sara Duterte sa ikalawang pagkakataon.

Ito ay matapos bumoto ng pabor ang 255 kongresista, 26 ang tumutol at 9 ang nag-abstain.

Kabilang sa mga pinagbatayan para i-impeach si VP Sara ay culpable violation of the Constitution, graft and corruption, betrayal of public trust, bribery at iba pang high crimes.

Ang bilang ng mga mambabatas na bumoto ng pabor para ma-impeach ang Bise Presidente ay lagpas pa sa 106 na kinakailangang boto alinsunod sa konstitusyon.

Sa kaniyang sponsorhsip sa Articles of Impeachment, sinabi ni Justice Committee chair at Batangas Rep. Gerville Luistro na dapat ipaliwanag ni VP Sara ang P6.7 billion sa bank transactions niya at kaniyang asawang si Atty. Manases Carpio, na nakadeklara sa kanilang joint filing ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

“At sa Senado, naroon ang pagkakataon ng Bise Presidente na sagutin nang buo ang bawat alegasyon, iharap ang kanyang ebidensya, at marinig ng buong sambayanan ang kanyang panig,” saad pa ni Luistro.

Binigyang-diin din ni Luistro na ang Articles of Impeachment ay nakabatay sa ebidensiya at hindi chismiss lamang.