ILOILO CITY – Trending sa social media ang post ng volunteer reporter ng Bombo Radyo Iloilo matapos ibahagi ang kanyang karanasan bilang anak ng isang pulis.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ria Momblan ng Tigbauan, Iloilo, at nag-aaral ng kursong Bachelor of Arts in Broadcasting, sinabi nito na hindi siya kailanman natakot sa mga men at arms dahil nakikita niya na marangal itong trabaho.

Ayon kay Momblan ang kanyang ama ay isang retiradong pulis habang sundalo naman ang kanyang lolo.

Hindi anya mapigilan ni Momblan na magalit matapos napanood ang video ng pagbaril patay ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Brgy. Cabayaoasan, Panique, Tarlac.

Nanawagan naman si Momblan sa mga ama na palakihin ng tama ang kanilang mga anak upang hindi magaya sa anak ni Nuezca.