-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Hinigpitan pa ng local inter-agency task force na makapasok ang mga residente na nagmula sa Misamis Oriental at Cagayan de Oro City sa lungsod ng Iligan na kasalukuyang naka-modified enchanced community quarantine (MECQ) dahil sa sobrang taas ng positibong kaso ng coronavirus disease sa Northern Mindanao.

Ito ay matapos kinumpirma sa Bombo Radyo mismo ni Iligan City Vice Mayor Jemar Veracruz na kabilang siya na nahawaan ng bayrus kasunod ng unang pag-positibo ng kanilang city councilor na si Noli Pardillo ng lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Veracruz na pag-limit muna ng mga residente na nagmula sa labas ng Iligan na makapasok sa kanilang lugar ay hakbang upang ibsan ang mabilis na paglobo ng mga positibong kaso ng bayrus.

Inihayag ng naka-on leave na pari ng simbahang Katolika na si Veracruz na mahalaga rin na susunod ang lahat ng kanilang mag residente sa minimum public health standard upang iwasan ang pagkaroon ng malawakang local transmission.

Magugunitang nasa 337 na ang kaso ng Iligan City kung saan marami sa mga ito ay local transmission habang 10 na ang nasawi simula nang nakapasok ang COVID-19 sa rehiyon.