-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Humingi na ng tawad ang kilalang Kagay-anon vlogger sa facebook matapos magpakalat ng maling impormasyon at hinikayat ang kanyang mga followers na lumabas ng bahay at maligo sa dagat sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Kahapon, natunton ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) at Regulatory Complaint Board (RCB) ang bahay ng suspek na kilala sa pangalang “The Wonder Boy” at may mahigit 4,500 followers.

Sinabi ni RCB Inspectorate team leader Antonio Resma na personal nilang kinompronta ang vlogger na si Antonio Bonitos, binata at residente sa ng Brgy. Macabalan, nitong lungsod.

Batay sa vlog ng suspek, iningganyo niya ang kanyang followers na lumabas ng bahay dahil “summer time” sa halip na mag “stay at home!”

Aarestuhin at kakasauhan na sana ang suspek sa paglabag ng Bayanihan to heal as one act, subalti mabilis itong nagsorry sa harap ng pulisya at nangakong hindi na uulit ang naturang vlog.

Hinikayat niya ang kanyang followers na huwag siyang tularan.

Una rito, nagalit ang mga otoridad sa kanyang video dahil maraming mga bata ang talagang lumabas ng bahay at naligo sa dagat kung saan makikita ito sa kanyang latest vlog.