-- Advertisements --
Labis na ikinabahala ng Phivolcs ang pag-akyat ng isang lalaki na mistulang nagbi-video blog (vlog) sa crater ng bulkang Taal.
Ayon kay Ma. Antonia V. Bornas, Chief, Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division (VMEPD), dahil sa ginawa ng lalaki ay posibleng gayahin daw ito ng ilan pang mga residente.
Aniya, mapanganib ang ginawa ng lalaking kinilalang si alyas Bokbok na taga Talisay dahil ano mang oras ay puwede pa itong sumabog.
Maalalang kaninang umaga ay muling nagbuga ng abo ang bulkan na sinasabing pinakamalakas kumpara sa mga nakalipas na pagbuga nito ng abo.
Dahil dito, mahigpit pa rin ang paalala ng Phivolcs na iwasan ang pagpunta sa bulkan maging sa paglapit sa 14 kilometer permanent danger zone.