-- Advertisements --

Naniniwala si dating Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na hindi pagbabanta ang pahayag ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang kontrobersiyal na video noong November 2024 kung saan sinabi niyang may nakausap na siyang papatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa halip ay isa aniya itong panawagan sa publiko.

Binalikan ni Panelo ang laman ng video kung saan mayroon umanong ‘kondisyon’ ang pangalawang pangulo sa kaniyang pahayag. Ito ay nagpapakita lamang aniya ng paghingi niya ng tulong at katarungan sakaling may mangyari sa kaniya.

Sa katunayan aniya, nagsusumbong noon ang pangalawang pangulo na mayroong banta sa kaniyang buhay at hinihingi niya ang tulong ng taumbayan.

Mistula umanong sinasabi ni VP Sara na ‘kung pinatay siya, dapat ay iganti siya ng publiko, partikular na sa kaniyang mga pinaghihinalaan.

Ang November 2024 video ni VP Sara ay unang iprinisenta sa day 2 at day 3 ng impeachment trial ni VP Sara. Ito ay ang sentro ng grave threat article sa impeachment case na kinakaharap ng pangalawang pangulo.