-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Matapos magpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) si Makilala Cotabato Mayor Armando Quibod ay nagpositibo rin ang kanyang Bise-Alkalde.

Ito mismo ang kinomperma ni Makilala Vice Mayor at Acting Mayor Atty. Ryan Tabanay.

Ayon kay Tabanay na noong nakalipas na araw ng sabado ay napansin nitong nilalagnat siya. Dahil dito ay tumawag siya sa MHO para sumailaim sa Antigen Test at lumabas na positibo ito.

Agad na sumailalim sa SWAB test si VM Tabanay at nitong lunes ng umaga ay dumating ang resulta na positibo ito.

Nasa maayos namang kondisyon sina Mayor Quibod at Vice-Mayor Tabanay,nasa isolation facility sa isang ospital at patuloy na nagpapagaling.

Posibleng uupong Acting Mayor at acting Vice Mayor ang Ist at 2nd Municipal Councilor.