-- Advertisements --

Kinondena ng ilang netizens si Vice Ganda matapos ang isang parody segment sa unang gabi ng kanyang concert, kung saan tila tinutukoy ang dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama sa segment ang pagbanggit sa “Jet Ski promise,” mga DDS (Diehard Duterte Supporters), at isang impersonation ng dating pangulo na ikinatuwa ng ilang manonood.

Gayunman, umani ito ng batikos mula sa ilan, kabilang ang isang Facebook user na nanawagan sa pamahalaang lungsod ng Davao na ideklarang persona non grata si Vice Ganda, dahil sa umano’y kawalan ng respeto.

Ayon sa ilang Dabawenyo, wala namang masama sa pagpapatawa ngunit dapat ay may hangganan at hindi “below the belt” ito.

Napansin din ng mga netizen ang pagbaba ng followers ni Vice Ganda mula 20 million, na bumaba sa 19 milyon.

Sa kabilang banda, dinepensahan naman ni Akbayan party-list Representative Perci Cendaña ang komedyante at pinuri ang kanyang paninindigan.

‘Speaking truth to power is most potent when it makes people laugh. This means the message really got through. Laughter is not only the best medicine, it is also the best wake-up call,’ ani Cendaña.