Nagwagi si Venezuelan opposition leader María Corina Machado bilang 2025 Nobel Peace Prize.
Sa isinagawang pag-anunsiyo sa Oslo, Norway sinabi ng Norwegian Nobel Committee, na kaya napili nila si Machado ay dahil sa patuloy ang pagtataguyod nito ng demokrasya.
Wala umano itong pagod na nagsulong ng democratic rights sa Venezuela.
Hindi matawaran ang kaniyang paghihirap para makamit ang tapat at mapayapang transition mula dictatorship patungong demokrasya.
Isinilang noon sa Caracas ang capital ng Venezuela noong 1967 kung saan nagsanay siya bilang industrial engineer bago pumasok sa pulitika.
Taong 2002 ng itinaguyod niya ang Sumate, ang volunter group na nagsusulong ng political rights at nagbabantay ng halalan.
Isinalarawan niya ang kaniyang buhay na nagsusulong ng “balota imbes na bala”.
Noong 2024 ay tinangka niyang tumakbo sa pagkapangulo laban kay President Nicolás Maduro, subalit pinagbawalan siya ng gobyerno na tumakbo kaya sinuportahan na lamang niya si dmundo González Urrutia.
Nagtrabaho ito para magpalakas ng mga mamamayan at magsanay ng mga election observers para matiyak na mayroong patas at malaya ang halalan.
Matapos magwagi si Maduro ay naglabas ng pruweba si Machado na nagkaroon ng dayaan sa halalan kung saan may mga resibo silang hawak mula sa 80 percent ng polling stations.
Pinuri siya ng Nobel committee dahil sa dokumentado ang naganap na bilangan sa halalan.
Dahil sa ginawang pag-ipit ng Venezuelan government sa mga kontra sa kanila ay nagtago si Machado mula pa noong nakaraang taon.
Hindi naman ito makapaniwala ng mapili siya kung saan itinuturing na tagumpay ito ng buong society dahil isa lamang siyang tao at hindi siya karapat-dapat na siya ang gawaran.
Ang Noble Peace Prize ay iginagawad kada taon sa mga indibidwal o organisasyon na nagsusulong sa mga panuntunan ni Alfred Nobel ang Swedish chemist na nagtaguyod ng Nobel Prize.