-- Advertisements --
Magsasagawa ng imbestigasyon ang Venezuelan government matapos na nagtala ng ilang mga casualties dahil sa pag-atake ng US.
Ayon kay Venezuelan Attorney General Tarek William Saab na mayroon na silang itinalagang tatlong prosecutors para mag-imbestiga dahil sa maraming inosenteng mamamayan nila ang nasawi.
Hindi naman binanggit ng gobyerno ng Venezuela kung ilang ang nasawi kung saan handa nilang kasuhan ang US dahil sa ginawa nito.
Ang nasabing pag-atake ng US ay nagresulta sa pagkakaaresto kay President Nicolas Maduro at asawa nito.
Una ng kinondina ng United Nations ang ginawang pag-atake ng US dahil sa ito paglabag sa international law.
















