ali peek kobe bryant

Kinasuhan ng asawa ng nasawing NBA legend Kobe Bryant na si Vanessa ang operator ng helicopter na sinakyang ng kaniyang mag-ama.

Inihain ang reklamo sa Los Angeles County Superior Court ng mismong asawa nito.

Inanunsiyo ang pagsasampa ng kaso ni Vanessa sa isinagawang pagbibigay pugay sa Los Angeles Lakers star at anak nitong si Gianna sa Staples Center.

Magugunitang bumagsak noong Enero 26 ang helicopter na sinakyan ng mag-ama at pitong iba pa.