-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Positibo ngayon ang grupo ng mga scientist na magtatagumpay sila ng kanilang isinusulong na vaccine candidates na pangontra laban sa laganap na coronavirus disease 19 pandemic sa buong mundo.

Iniulat ni Filipino molecular biologist Dr Don Valledor na nakabase sa United Kingdom na magsisimula ang kanilang combined phase 1 at 2 o clinical trials sa susunod na araw.

Inihayag ni Valledor na gamit ang tinawag na RNA amplication technology ay naging ang epektibo ang initial na trials nila na ginamitan ng mga unggoy.

Dagdag nito na sasalang sa nasabing trials ang nasa 300 ka tao na tutupukan ng trial vaccines.

Ito na ang pangalawang bakuna mula UK na malaki ang naging kumpiyansa ng mga eksperto na lulusot sa masinsinan na clinical trials.

Salaysay pa nito na kung safe ang phase I/II trials ay agad na sila didiretso sa pangatlong level kung saan nasa anim na katao na ang isasalang ng vaccination trials sa Oktubre 2020.

Kaugnay nito,inaasahan na mag-mass produce at mamamhagi na sila ng bakuna kung makikitang epektibo sa pangalawang quarter sa 2021.

Tiniyak pa nito na libre ang nasabing mga bakuna para sa middle to low income countries katulad ng Pilipinas kung saan nagkahalaga ito ng 1,200 hanggang 1,800.