-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nilinaw ni Commission on Higher Education (CHEd) Chairperson Prospero “Popoy” De Vera na magpapatuloy ang scholarships ng mga estudyante sa susunod na academic year kahit ano pa ang kanilang vaccination status.
Ayon kay De Vera, sa ilalim ng Free Higher Education Program ay 1.6 million na na mga estudyante sa buong bansa ang hindi nagbabayad ng tuition at miscellaneous fees.
Ang mga nasabing estudyante ay nagmula sa mahigit 200 state universities and colleges sa Pilipinas.
Inaasahan na sa susunod na academic year, tataas pa ng 1.8 million na mga estudyante ang makakabenepisyo sa libreng edukasyon.