-- Advertisements --

Pinayuhan ng Philippine College of Physicians president na si Dr. Maricar Limpin ang national government na dapat ikonsidera ang bagong vaccination rate ng bansa bago pa man ituloy ang pinaplanong pagdeklara ng Alert level 1 sa National Capital Region (NCR).

Ito ay kahit pa aniya sa nakalipas na dalawang linggo ay mas mababa na sa 5 percent ang positivity rate, bagay na pasok naman sa recommended rate ng World Health Organization.

Ayon kay Limpin, kailangan munang matiyak na ang vaccination rate ay angkop sa level ng target population na kailangan mabakunahan.

Dapat ding mataas ang vaccination at booster rate para sa mga nakatatanda at mga taong mayroong comorbidities bago pa man payagan ang shift sa Alert Level 1.

Kaya kung siya aniya ang tatanungin, hindi pa handa ang NCR na mailagay sa ilalim ng Alert Level 1 o ang pinakamaluwag na restrictions sa harap ng pandemya.

Dagdag nito na kung ganito ang sitwasyon, mainam ding paghandaan ng pamahalaan na paghandaan ang posibleng isa pang surge sa mga kaso.